Sino Ako
Ako si Jose Oscar C. Garcia Jr., Bakit quake kasi ako ay ipinanganak noong July 16. Nagsimula akong gumamit ng Linux noong 1999, Nagsimula kaming subukan ang Linux at palitan ang Windows NT server namin, dahil na rin sa paghihigpit ng Microsoft noon sa pag gamit ng License Software nila, napilitan kami na palitan ang aming License Windows NT Server dahil ito ay may 20 Client License lang. Dahil sa lumalaki ang kumpanya nadadagdagan ang mga gumagamit sa aming network at kailangan na rin naming mag-setup ng aming email, web at proxy server. Noong panahon na ito bibihira ang nagbibigay ng training sa Linux. Ako at ang aking kumpareng si Nilo ay pinaatend ng training para sa administration ng Linux sa IPhil Communications ngayun ay Q-Linux na. Na isetup namin ang unang Linux production server namin at ito ay ang Web Server, sumunod ang Mail Server at ang Proxy Server. Ano ang masasabi ko sa server na ito isa ito sa mga stable server the na i-setup namin. Dito ko nakita na napaka versatile ng Linux Kumpara sa windows at higit sa lahat ay libre ito. Ngayun ay sinusubukan ko na ituro ito sa aking mga estudyante. Ako nga pala ay nagtuturo din sa isang Technical School at sinisimulan ko ng ituro sa aking mga estudyante ang Linux. Pero kagaya ng sabi nila noon, na pang server lang ang Linux pero sa development ngayun ng Linux particular ang Bayanihan Linux maari na itong ipantapat sa commercial na version ng windows at napakadali na nitong gamitin bukod sa lahat ito ay sariling atin.

